Posts

UBE HALAYA RECIPE

Image
MGA SANGKAP: 1 kilong ube 2 tasang asukal 1 latang gatas na condensada 2 tasang gata mantikilya PARAAN NG PAGLUTO: Pakuluan ang ube sa kaserola hanggang lumambot. Hiwain ito ng pakuwadrado. Ilagay sa food processor kasama ang asukal at gata at gilingin. Ilipat sa kawali at idagdag ang gatas. Lutuin sa mahinang apoy at halu-haluin. Ipagpatuloy ang paghalo hanggang maging malapot na malapot na ang ube at dumidikit na sa kawali. Ilagay sa isang plato at palamigin. Lagyan ng mantikilya sa ibabaw bago ihain.